MAGARBO | Kontrobersyal na Christmas party ng PCSO, tinututukan ng Malakanyang

Manila, Philippines – Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu sa umano’y magarbong Christmas party ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO).

Ayon kay Roque, aalamin ng Pangulo ang katotohanan sa mga alegasyon na ibinabato ni PCSO Director Sandra Cam kay PCSO Gen. Manager Alexander Balutan.

Hindi lamang aniya sa usapin ng milyong pisong halaga na ginamit sa Christmas party ng PCSO kundi maging sa umano’y pakinabang ng mga matataas na opisyal ng PCSO sa Small Town Lotery operations.


Sa katunayan ayon kay Roque, magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado at Kamara, kaugnay sa issue ng STL operations.

Facebook Comments