MAGASTOS NA BIYAHE | Pangulong Duterte, inaming sinibak si dating CHED Chair Licuanan

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya si Patricia Licuanan bilang chairperson ng Commission on Higher Education (CHED) dahil sa kanyang magastos na biyahe abroad at pagka-antala ng paglalabas ng scholar allowances.

Hindi rin naniniwala ang pangulo sa katwiran ni Licuanan na kaya ito bumibyahe abroad kada-buwan dahil kinakailangan ng ahensya.

Dagdag pa ng Pangulo, lumipat sa iba’t-ibang ahensya ang perang popondo sana sa allowances ng mga iskolar.


Nabatid na nagbitiw sa pwesto si Licuanan, anim na buwan bago matapos ang kanyang termino sa Hulyo.

Facebook Comments