Magat at Binga Dam sa Luzon, nagbabawas pa rin ng imbak na tubig

Patuloy pa ring nagpapakawala ng sobrang imbak na tubig ang Binga Dam sa Itogon, Benguet at Magat Dam sa hangganan ng Ifugao at Isabela.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, layon nito na hindi lumagpas sa normal water elevation ang naturang mga dam habang nakararanas pa ng ulan dulot ni Bagyong Quinta.

Ayon sa PAGASA, isang gate ng Binga Dam ang binuksan na may taas na .30 meters habang dalawang gate naman sa Magat Dam na binuksan ng 3 meters.


Base sa reading kahapon ng umaga, nasa 574.3 meters ang lebel ng tubig sa Binga Dam na halos ilang sentimetro na lang bago maabot ang normal high-water level na 575 meters.

Habang nasa 190.29 naman ang lebel ng tubig sa Magat Dam na halos dikit na rin sa 193 meters na normal water elevation nito.

Hanggang kaninang alas-4:00 ng madaling araw, umangat din ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa 79.40 meters mula sa 79.32 meters kahapon.

Bahagya ring tumaas ang lebel ng tubig sa Angat ng hanggang 193.08 mula sa 192.14 meters kahapon.

Facebook Comments