Cauayan City, Isabela- Anumang oras ngayong umaga, November 2, 2020 ay isasara na ang isang (1) yunit ng spillway gate ng Magat Dam sa pagpapakawala ng tubig mula sa dating dalawang yunit na may opening na 3 metro.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Wilfredo Gloria, Department Manager ng NIA-MARIIS, kanyang sinabi na as of 5am ngayong araw, Nobyembre 2, 2020 ang inflow ay nasa 737 cubic meter per second habang ang outflow ay 737 cubic meter per second.
Ang water reservoir elevation naman ay nasa 188.08 meters above sea level.
Sa kasalukuyan ay may dalawang (2) unit ng spillway gate ang nakabukas na may opening na tatlong (3) metro at nakatakda naman ngayong umaga ang pagsasara sa isang (1) yunit ng spillway gate na may opening na dalawang (2) metro.
Ito’y para hindi na gaanong makaapekto ang papakawalang tubig sa mga nakatira sa mababang lugar na madadaan ng Magat river.
Paliwanag pa ni Engr Gloria, kung magbibigay ng malaking inflow at magbibigay ng magtaas ng lebel ng tubig sa magat reservoir ay kinakailangan aniyang magpakawala ng tubig upang hindi malagay sa kritikal na sitwasyon ang Magat Dam.
Nakakaapekto lamang aniya sa pagbaha sa ilang mga lugar ang pinakawalang tubig mula sa Magat Dam kung magsasalubong na sa Cagayan river.
Ayon pa kay Engr Gloria, minimal lamang ang epekto ng kanilang pinapakawalang tubig kaya’t walang gaanong ipangamba ang publiko subalit pinag-iingat pa rin ang lahat at huwag munang magtatangkang tumawid ng ilog.