Magat Dam, magbubukas ng isang gate bunsod ng Tropical Depression Maymay ayon sa NIA

Magbubukas ng isang gate ang Magat Dam bilang paghahanda sa inaasahang ulan na dala ng Tropical Depression Maymay.

Sa isang abiso na inilabas ng National Irrigation Administration (NIA), nakatakdang buksan ang Radical gate no. 4 mamayang alas-4:30 ng hapon.

Inaasahang magpapakawala ito ng tubig na aabot sa 200 cubic meters per second.


Facebook Comments