Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Edwin Viernes, Acting section head ng Flood Forecasting and Warning System for Dam Operation (FFWSDO), ang pagpapakawala nila ng tubig ay dahil sa tuloy-tuloy na nararanasang pag-ulan bunsod ng bagyong “AGATON”.
Ito ay para mapanatili rin ang normal na lebel ng tubig sa Magat dam reservoir.
Tinatayang nasa 200 metro kubiko bawat segundo (200 cms) ang pakakawalan subalit maaari nila itong depende sa lakas ng ulan na papasok sa Magat Watershed.
Sa pinakahuling datos ng Magat Dam as of 4:00PM ngayong araw, April 10, 2022, nasa 190.29 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa Magat Dam; 245.00cms ang Inflow at 68.06cms naman ang total outflow.
Pinapayuhan naman ang lahat na maging alerto at iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.