MAGAT DAM, MAGPAPAKAWALA NG TUBIG BUKAS

Magpapakawala ng tubig ang National Irrigation Administration- Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARISS) bukas, Agosto 7, 2022 upang mapanatili sa ligtas na lebel ang tubig ng Magat Dam.

Sa impormasyon mula sa NIA-MARIIS, ang papakawala ng tubig ay 200 cubic meter per second (CMS) na maaaring madagdaggan sa lakas ng ulan sa Magat Watershed bukas bandang alas 2:00 ng hapon.

Ayon sa PDRRMC Isabela, makakaranas ng malakas na pag-ulan ang lalawigan ng Isabela dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Southwest monsoon o hanging habagat.

Kaugnay nito, nakiusap ang pamunuan ng NIA-MARIIS sa publiko na iwasan muna ang pagtawid, pamamalagi at pagpapastol ng alagang hayop sa ilog upang maiwasan ang anumang sakuna dulot ng pagtaas ng tubig.

Facebook Comments