Magat Dam, nagpapakawala na ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan sa Cagayan Valley

Pinag-iingat ang mga residente sa ilang bahagi ng hilagang Luzon sa posibleng pagbaha matapos na magpakawala ng tubig ang Magat Dam kasunod ng patuloy na pag-ulan sa Cagayan Valley.

Ayon kay PAG-ASA Hydrologist Richard Orendain, isang gate ng Magat Dam ang binuksan kung saan naglalabas ito ng 186 cubic meter per second ng tubig.

Kabilang sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ng Magat ang munisipalidad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu sa Isabela.


Facebook Comments