Mga na-oospital at nasasawi dahil sa COVID-19, hindi pa ganap na bakunado – DOH

48

Inihayag ng Department of Health (DOH) na mahigit 50% ng mga na-ospital at nasawi dahil sa COVID-19 ay hindi pa ganap na bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, sa kasalukuyang datos ng DOH ay 63% ng mga na-ospital ay hindi pa fully vaccinated habang 76% naman ng mga nasawi ay hindi rin nakakumpleto ng kanilang bakuna kontra COVID-19.

Gayunpaman, bumaba ng 26% ang kaso ng COVID-19 noong Abril 5 hanggang 11 kumpara sa naunang linggo.


Dagdag pa ni Vergeire na bumba rin sa 1.6% ang positivity rate sa bansa kumpara sa 1.8% noong Marso 29 hanggang Abril 4.

Samantala, umabot na sa 74% ng kabuuang populasyon ng bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19

Facebook Comments