Cauayan City – Nakatakdang magbukas ng isang gate ang Magat Dam ganap na alas otso ng umaga ngayong araw, ika-6 ng Nobyembre.
Ito ay batay sa inilabas na abiso ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), bilang paghahanda sa ulan na posibleng ibuhos ng bagyong Marce sa buong lambak na Cagayan.
Ayon sa NIA-MARIIS, bubuksan ang gate 4 at magpapalalabas ng tubig na aabot sa 133cm na mayroong taas na isang metro.
Sa kasalukuyan, nasa 183.90 meters above sea level pa rin ang reservoir level ng dam at may inflow at outflow na umabot sa 269.94cms.
Facebook Comments