Magat Dam Reservoir, Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig dahil sa Pag uulan

*Cauayan City, Isabela*- Tumaas ng bahagya ang imbak na tubig ng Magat Dam Reservoir sa Brgy. Ambatali, Ramon, Isabela simula ng maranasan ang malawakang pag uulan sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan Engr. Eduardo Ramos, Division Manager, Magat Dam Division Head, tumaas ng 1.25 meters o kabuuang 191.42 meters mula sa spilling level nito na 193 meters.

Dagdag pa ni Ramos na may lead time ang kanilang sinusunod na anim na oras at sinisiguro ng kanilang tanggapan na mabigyan ng impormasyon ang ilang ahensya ng gobyerno maging ang pamunuan ng Radio and TV Station bago magpalabas ng anunsyo na magpapakawala sila ng tubig mula sa dam.


Paliwanag pa ni Engr. Ramos na walang katotohanan na nagpalabas ang kanilang tanggapan ng imbak na tubig mula sa reservoir at katanuyan nga ay patuloy pa rin ang kanilang pag iipon ng tubig sa reservoir para sa nalalapit na dry season.

Facebook Comments