*Cauayan City, Isabela*- Nagmistulang piyesta ang kapaligiran ng Magat Dam na dinadagsa ngayon ng mga turista o bakasyunista dahil sa lawak ng palaisdaan, malamig ma simoy ng hangin.
Ayon sa pamunuan ng Magat Dam, simula ng pumasok ang holiday season ay umabot na sa mahigit isang libong katao araw-araw ang bumibisita sa lugar upang mamasyal.
Ang Magat dam ay isa sa pinakamalaking rock fill kung saan ay dumadaloy ang malaking volume ng tubig sa cagayan river papunta sa mga palayan ng rehiyon dos.
Sinimulan itayo ang nasabing dam noong 1975 at natapos noong 1982 bilang pinakamalaking dam sa bansa. Inaasahan ngayon araw walang pasok hanggang bukas at bagong taon ay tiyak na marami ang mag-pipicnic at magbabangka kasama ang kanilang pamilya, kamag-anak at kaibigan.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng PNP Ramon ang mga turista sa mga mapagsamantalang kawatan