MAGBALIK LOOB | DND at AFP, nagdeklara ng unilateral ceasefire sa CPP-NPA

Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Department of National Defense ang deklarasyon ng AFP ng unilateral ceasefire sa CPP-NPA ngayong pasko at bagong taon alinsunod sa direktiba ng pangulo.

Sa isang statement, inihayag ni DND spokesman Arsenio Andolong na ang unilateral ceasefire ay magiging epektibo 6:00 PM, 23 December hanggang 6:00 PM, 26 December 2017, at 6:00 PM, 30 December 2017 hanggang 6:00 PM, 2 January 2018.

Nanawagan ang DND sa mga lumalaban sa mga pamahalaan at sa mga gumagawa ng kasamaan sa mga Pilipino na gamitin ang panahon na ito para mag-muni-muni at seryosong pag-isipan ang pagbabalik loob sa pamahalaan.


Sa pagpapairal ng tigil putukan, inatasan din Ang lahat ng sundalo na manatiling mapagbantay at tiyakin ang kanilang kaligtasan sa kani-kanilang areas of responsibility.

Kasabay nito, hinimok ng DND Ang mga mamayan na makipagtulungan sa mga autoridad para matiyak ang kapayapaan at seguridad sa lahat ng mga komunidad.

Facebook Comments