Manila, Philippines – Mahigit 200 trabaho ang alok ngayon ng Philippine National Police (PNP).
Sa PNP Information Technology Management Service (ITMS), 18 na posisyon ang bakante para sa lateral entry program.
Kailangan ay nakapagtapos sa kursong may kaugnayan sa IT, 21 hanggang 30 anyos kapag sibilyan, may tatlong taon na experience bilang IT specialist at makakapasa dapat sa fitness test.
Kapag natanggap, P40,000 ang pinakamaliit na sahod at may ranggo na police inspector.
Bukod sa mga IT expert, naghahanap din ang PNP nang 23 medical officers, 17 na pari, 38 na dentista, 43 na psychometrician, at 10 na forensic chemical officer.
Naghahanap din sila ng mga pastor, psychologist, at medicolegal officer.
Para sa karagdagang detalye mga bakanteng posisyon, maaaring bumisita sa facebook page ng directorate for personnel and records management ng PNP.