Magdalo – kumpiyansang uusad ang inihai ng impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte… pero Malacañang, iginiit na kulang ito sa ‘form’ at ‘substance’

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Magdalo group na may kahihinatnan ang inihain nilang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano — may mga dynamics sa kongreso na maaaring makatulong para umusad ang impeachment case.

Inihalimbawa nito ang umano’y pagkakahati-hati ng partido at mga miyembro ng kongreso na dismayado ngayon sa pamumuno ni House Speaker Pantaleon Alvarez.


Idinagdag pa ni Alejano rito ang kabiguan ng pangulo na protektahan ang mga teritoryo ng bansa laban sa China.

Samantala, iginiit naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mukhang intensyon ni Alejano na tumakbo sa pagkasenador.

Aniya, malinaw na wala namang basehan at walang form and substance ang supplemental impeachment complaint na inihain ni Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments