Magdalo partylist sa Kamara, itinanggi ang kinalaman kay alyas bikoy at ang pagpapabagsak sa Pangulo

Mariing pinabulaanan ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na kabilang siya at ang grupong Magdalo sa pagpapabagsak sa Pangulo.

 

Ito ay kasunod ng bagong ‘Matrix’ na ipinakita ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung saan kasama ang Magdalo, ang Liberal Party at ilang media entity sa ‘conspiracy’ o sabwatan para i-discredit o sirain ang gobyerno lalo na si Pangulong Duterte.

 

Kasunod nito ay pinasinungalingan ni Alejano na kasabwat siya o isa siya sa nasa likod ng ‘BIKOY videos’ dahil hindi naman niya kilala at hindi niya pa nakikita si Peter Advincula alyas Bikoy.


 

Sinabi pa nitong layunin ng inilabas na bagong matrix na sirain ang imahe ng oposisyon.

 

Duda rin ang grupo na paniniwalaan ng publiko ang matrix na ipinresenta ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo dahil kasinungalingan, malisyoso at iresponsable ang alegasyon.

 

Dagdag pa nito, kilala na ang Palasyo sa pagpapalabas ng mga impormasyong hindi na-validate at biglang binabawi sa kalagitnaan ng isyu.

Facebook Comments