Mga nagkakanlong kay Peter Advincula alyas Bikoy, binalaan ni Justice Sec. Guevarra

Binalaan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang mga nagkakanlong at nagpo-protekta kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy

 

Ayon kay Guevarra, mahaharap sa criminal liability ang mga protectors at coddlers ni Advincula lalo na aniyat umamin mismo si alyas Bikoy sa partisipasyon niya sa illegal drug trafficking.

 

Bukod pa  aniya ito sa mga pending warrants of arrest ni Advincula sa ibat ibang kasong kinakaharap nito.


 

Sinabi ni Guevarra na may mga ginagawa nang imbestigasyon at pag-aaral ang NBI sa kaso ni Advincula.

 

Pinag-aaralan na rin aniya ng DOJ kung pai-imbestigahan nila sa NBI ang ibinunyag ng Malakanyang na panibagong “ouster matrix” laban sa administrasyong Duterte.

Facebook Comments