Magdalo Partylist sa Kamara, sumama ang loob sa paglaglag sa kanila ni Commissioner Faeldon

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang tila pagtatwa ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Magdalo Group.

Iginigiit ni Alejano na siya pa nga ang nag-recruit noon kay Faeldon para maging kasapi ng Magdalo.

Bukod dito, nagsuot din noon ng pulang arm band ang commissioner tanda na ito ay kasapi nga sa grupo.


Palaisipan kay Alejano ang pagtanggi ni Faeldon na ito ay dating myembro nila.

Ipinaalala pa ni Alejano na dahil kay Faeldon kaya sila napahamak matapos nitong tumakas sa kulungan.

Pero hindi pinalagpas ng kongresista ang pagsasabing dapat na managot si Faeldon sa katiwalian sa Customs.

Facebook Comments