Magdalo Rep. Alejano, hindi iaatras ang impeachment complaint vs. Duterte

69

Manila, Philippines – Nanindigan si Magdalo Rep. Gary Alejano na hinding hindi nito iaatras ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Giit ni Alejano, ilalaban niya ang kanyang reklamo laban sa Pangulo hanggang sa pinakadulo ng proseso.

 

Dagdag pa ni Alejano, hindi niya pwedeng isantabi ang isyu ng extra-judicial killings at korapsyon na kinasasangkutan ng Pangulo at ng administrasyon nito.

 

Balewala sa kongresista ang pagmamaliit ng liderato ng Kamara sa kanyang impeachment complaint at ang panawagan ng iba na iurong na ito dahil mahahati lamang ng isyu ang bansa.

 

Umaasa pa rin si Alejano na makakakuha siya ng suporta sa mga kongresista para umusad ang reklamo sa Pangulo.

 

Pakiusap pa ng kongresista na basahin ang buong reklamo bago ito husgahan.




Facebook Comments