Ilagan City, Isabela- Sa ipinanukalang Ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan sa isinagawang session kahapon Abril 4, 2018 sa Isabela Provincial Capitol ay balak huliin ang lahat ng uri ng Sasakyan na paparada ng matagal sa mga gilid ng daan kabilang na ang mga sirang sasakyan na nakaparada sa mga lansangan.
Batay sa ipinanukalang ordinansang ito, nakasaad na ang sinumang mahuhuli na lalabag sa panukala ay magmumulta at ma-iimpound ang kanilang mga sasakyan.
Laman din ng panukalang ordinansa na may multa ng isang libong piso sa unang paglabag, sa pangalawang paglabag ay dalawang libong piso o kaya’y makukulong ng mahigit tatlumpo’t araw habang sa pangatlong paglabag naman ay magmumulta ng limang libong piso o di kaya’y makukulong ng hindi lalagpas isang taon.
Kaugnay ng panukalang ito, ay kung sakaling tutubusin ang kanilang na-impound na sasakyan na hahawakan ng mga himpilan ay may kaukulang bayad na 750 at kung sakaling hindi matutubos ay may kaukulan ding bayad kada araw.
Nakasaad din sa panukala na ang lahat ng mga nakolektang bayad mula sa mga lalabag sa panukala ay mapupunta sa pondo ng Provincial Government.