Manila, Philippines – Hinihikayat ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na dasalin ang panalangin ukol sa papalapit na pang Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Ayon kay CBCP Secretary General Father Marvin Mejia pinasimulan na nila kahapon ang panalangin sa bawat isinasagawang misa na humihiling ng karunungan para sa pagpili ng mga kandidatong magsusumikap para sa katotohanan katarungan at pagpapataas ng dignidad ng tao
Paliwanag ni Father Mejia ang panalangin na nakasalin sa wikang Ingles, Filipino at Cebuano ay dadasalin sa lahat ng mga misa hanggang sa bisperas ng Eleksyon.
Giit ng pari kasama sa hiling sa dasal ang mahusay na pagpili ng mga opisyal sa Barangay na magsisilbing tinig ng mga mahihirap, mahihina, inaapi at mga inabandona.