MAGHANDA AT MAG-INGAT | PNP, naghahanda na rin sa posibleng epekto ng bagyong Basyang

*Manila, Philippines – Nakahanda na ang Police Regional Office ARMM sa pagbibigay ng ayuda sa mga maapektuhan ng bagyong Basyang sa Mindanao.*

*Ayon kay Police Senior Inspector Jemar Delos Santos ang tapagpagsalita ng PRO ARMM kasama nila sa paghahanda ang ARMM HEART o Humanitarian Emergency Action and Response Team at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC.*

*Sinabi pa ni Delos Santos na iniutos na rin ni PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt. Graciano Mijares ang pagpapakalat ng search and rescue teams ng PNP sa buong rehiyon.*


*Pinaaalahanan naman ng PNP ang publiko na maghanda at mag-ingat sa malakas na ulan at hangin na dulot ng bagyong Basyang.*

Facebook Comments