Manila, Philippines – Suportado ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon ang ipinatupad na deployment ban sa Kuwait.
Kumbinsido si Drilon na ito na kailangang ngayon ang ganitong radical remedy sa mga pag-abuso at pagmaltrato na matagal ng nararanasan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait.
Pero ayon kay Drilon, dapat paghandaan ng ating pamahalaan ang anumang magiging hakbang ng Kuwaiti Government laban sa Pilipinas lalo na sa larangan ng kalakalan.
Sabi ni Drilon, base sa kanyang naging karanasan bilang dating Labor Secretary, karaniwang may ginagawang pressure ang host country kapag nagpatupad ng total ban ng OFW.
Kasabay nito ay pinapalinaw din ni Drilon ang mga saklaw ng nasabing total ban para maiwasan ang kalituhan.
MAGHANDA | Deployment ban sa Kuwait, suportado ni Senator Drilon; Hakbang na gagawin ng Kuwaiti Government, dapat paghandaan
Facebook Comments