Manila, Philippines – Lalo pang naghigpit ang Bureau of Immigration (BI) sa mga umaalis na OFWs sa NAIA.
Kasunod ito ng serye ng pagkakaharang ng immigration officers sa mga menor de edad na biktima ng human trafficking.
Pinakahuling naharang ng immigration officers sa NAIA ang limang teenagers na nagpanggap na adults at nagtangkang magtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ang naturang teenagers ay pawang may palsipikado at tampered na travel documents.
Nagduda ng immigration officers nang hindi magkakatugma ang sagot ng hindi pinangalanang mga pasahero
Agad silang ipinasa sa Inter-Agency Council Against Trafficking (I-ACT) para sa kaukulang imbestigasyon at assistance.
Facebook Comments