Manila, Philippines – Hihigpitan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang compliance requirements sa pag-avail ng libreng matrikula sa lahat ng public higher education institutions sa buong bansa.
Ayon kay CHED OIC Prospero De Vera III, layunin nitong matiyak na maayos na naipatutupad ang free higher education law.
Ani De Vera, sa 112 SUCs, hihigpitan ang Certificate of Program Compliance (COPC), ito ang compliance sa degree programs na may pamantayan ng CHED.
Ang Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay mayroong apat na bahagi:
1. Ang gobyerno ay magbibigay ng libreng tuition, miscellaneous at iba pang fees sa mga estudyante na papasok sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) na kinikilala ng CHED.
2. Magbibigay ng libreng technical-vocational education at training sa mga nag-enroll sa technical vocational institutions ng gobyerno.
3. Tertiary education subsidy o grants-in-aid.
4. National student loan program
Naglaan ng kongreso ng 40 bilyong pisong pondo para sa free higher education law.