MAGHUNOS DILI | Kongresista, binalaan ang gobyerno sa loan package na alok ng China

Manila, Philippines – Pinag-iingat ni House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chairman Ruffy Biazon ang gobyerno sa alok na loan packages ng China.

Ito ay matapos lumabas sa isang Chinese newspaper na Global Times kung saan sinabi ng head ng Xiamen University Southeast Asian Studies Center na si Mr. Zhuang Guotu na maaaring gamiting collateral ang mga natural resources.

Bagamat sinabi na ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “absolutely false” o hindi totoo ang pahayag ni Mr. Zhuang, kailangan pa rin maglabas ng categorical statement ng gobyerno na nire-reject nito na gawing collateral sa loan ang natural resources ng bansa.


Babala ni Biazon, ang gawing collateral ang natural resources ay ginawa na ng China sa Africa at South America kung saan nahirapan ang kanilang gobyerno na magbayad ng utang.

Ipinapakunsidera ng kongresista ang lian packages mula sa China kung saan dapat ay magkaroon muna na malinaw na template dito upang hindi tayo magaya sa ibang mga bansa.

Naniniwala si Biazon na ang loan offers ay paraan ng China para sa pagpapalawig ng kanilang teritoryo.

Facebook Comments