Magic Johnson, nagbitiw na bilang Presidente ng Los Angeles Lakers

Nagbitiw na ang Presidente ng Los Angeles Lakers na si Magic Johnson sa kanyang pwesto.

Sabi ni Johnson, ito ay dahil sa kabiguan ng Lakers na makapasok sa National Basketball Association (NBA) playoffs ngayong season.

Malaking insulto kasi aniya ang pagkatalo ng Lakers gayung nasa koponan na nila ang basketball star na si Lebron James.


Samantala, pinatumba ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 112 – 103.

Ito ay matapos humataw sa pag-iskor sina center Jahlil Okafor ng 30 points, forward Christian Wood  ay 26 points at 20 points kay guard Ian Clark.

Sa ngayon, laglag na ang Pelicans sa playoffs.

Facebook Comments