Maynilad, nagpapatupad na rin ng water service interruption

Dahil sa matinding init at tumataas na demand sa tubig nagpapatupad na ang Maynilad ng water service interruption.

Sa inilabas sa advisory na Maynilad – noong Abril 5 pa nila ipinatutupad ang water service interruption at pagbabawas ng water pressure pero sa gabi lang nila ito ginagawa at sa ibinabalik din ang normal ang supply ng tubig sa umaga.

Apektado nito ang Caloocan, Valenzuela at Quezon City.


Tiniyak din ng Maynilad na hindi bababa ang lebel ng treated water sa bagbag reservoir na kanilang isinusuplay sa kanilang mga customers.

Wala rin umanong epekto sa naturang reservoir ang pamimigay ng tubig ng Maynilad sa Manila Water.

Facebook Comments