Manila, Philippines – Ipapasilip ngayong umaga ang magiging kulungan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Batasan Complex.
Ito ay kung sakaling hindi sumipot si Imee sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa pagbili ng mahigit 60 million na mga sasakyan gamit ang local tobacco funds.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ipapa-cite in contempt ang gobernadora kapag hindi nanaman ito haharap sa imbestigasyon na gagawin sa July 25.
Paliwanag ni Pimentel, nagpadala na sila kamakailan ng subpoena kay Imee at kung sakaling hindi pa rin haharap ang gobernadora ay iisyuhan nila ito ng show cause order para pagpaliwanagin sa hindi pagharap.
Sakaling hindi pa rin dumalo ay mapipilitan na silang ipa-cite in contempt si Gov. Marcos at arestuhin.
Posible ding makasama na makulong ni Imee ang kapatid na si dating Senator Bongbong Marcos kapag pinayuhan nito muli ang kapatid na huwag humarap sa pagdinig ng Kamara.