Magiging lagay ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Alert Level 1, isa sa mga ilalahad ni Pangulong Duterte mamayang gabi

Ilalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talk to the people mamayang gabi ang pagtaya sa magiging lagay ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Alert Level 1.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa unang projection ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay madadagdagan ng P9.4 billion ang economic activities kada linggo.

Aniya, mababawasan din ng 170,000 ang bilang ng mga walang trabaho sa susunod na tatlong buwan basta magtutuloy-tuloy ang Alert Level 1.


Sinabi rin ni Nograles na mabuting hintayin si Pangulong Duterte kung magbibigay ito mamayang gabi ng posisyon sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Si Pangulong Duterte ang chief architect ng foreign policy kaya ito rin ang makakapagsabi kung ano ang posisyon ng Pilipinas sa kaguluhan sa Europa.

Dagdag pa ni Nograles na abangan din kung magbibigay ng direktiba ang pangulo hinggil sa operasyon ng E-sabong sa bansa.

Facebook Comments