RENEWAL NG BUSINESS PERMIT, MULING IPINAALALA NG BPLO CAUAYAN

Cauayan City, Isabela- Muling nanawagan ang tanggapan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) Cauayan sa mga negosyante na hindi pa nakapag renew ng business permit.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Sherwin De Luna, BPL Officer ng Cauayan City, pinaalalahanan nito ang mga business owner na habang may panahon pa ay ayusin na ang napasong permit bago pa maabutan ng deadline.

Matatandaan na pinalawig pa hanggang March 31 ng BPLO Cauayan ang ibinigay na palugit sa business permit renewal para mabigyan ng tyansa ang lahat ng mga business owners sa Lungsod na makakuha ng kanilang bagong permit.

Paalala rin ng opisyal sa mga nagmamay-ari ng negosyo sa Lungsod na kung nakapag secure na ng bagong permiso ay magbayad din on-time para maiwasan ang pagkakaroon ng penalty o di kaya’y closure ng negosyo.

Sa ngayon, nasa mahigit kumulang 3,000 business owners na ang na-assess ng nasabing tanggapan na kung saan ay nasa mahigit isang libo pa lamang sa mga ito ang nakapagbayad.

Facebook Comments