MANILA – Inaabangan ng Kamara sa ang magiging paliwanag ng dating driver ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan kung bakit hindi ito dapat na I-Cite in contempt o ipaaresto ng House Committee on Justice.Alinsunod ito sa desisyon ng komite kagabi na bigyan si Dayan ng bente kwatro oras para magpaliwanag matapos hindi magpakita sa imbestigasyon kahit pa naisubpina ito.Ayon sa Chairman ng House Justice Committee na si Cong. Reynaldo Umali, mayroon siyang Staff na maghihintay sa kanyang opisina.Tiwala naman si House Majority Leader Rodolfo Farinas na alam ng Abogado ni Dayan ang nararapat nitong gawin para maihabol sa 24 hour deadline ang paliwanag ng kliyente nito.
Facebook Comments