Magiging patakaran para sa special session ng Kamara at Senado sa Sabado kaugnay sa martial law extension, sa mismong araw pa raw malalaman!

Manila, Philippines – Kahit pa may maaprubahan ang House at Senate Secretariat sa mapagkakasunduang rules para sa special session sa Sabado upang talakayin ang extension ng martial law, maaari pa rin itong mapalitan.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo FariƱas, sa Sabado pa ilalabas ang final rules na susundin bago magjoint special session.

Paliwanag nito, kahit may maaprubahan ang dalawang Secretariat ng kapulungan ngayong hapon ay hiwalay na aaralin ito ng Committee on Rules ng Kamara at Senado.


Sa umaga ng Sabado, bago isalang ang martial law extension ay sa plenaryo na mismo babanggitin kung anuman ang inaprubahang rules para sa joint session.

Bago ang executive session ng House at Senate Secretariat, tinalakay dito ang rules para sa motion, interpellation, at botohan.

Nauna dito ay nais ng Kamara na magnominal voting sa botohan sa martial law extension at pagkatapos ng voting ay saka maaaring magpaliwanag sa kanilang mga boto.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments