Magigiting na pulis nanatili pa rin sa hanay ng PNP ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde

Mayroon pa rin sa hanay ng Philippine National Police ang katulad ng mga matatapang at mga magigiting na Pilipinong beteranong Bayani na nakasama noon sa  ikalawang digmaang pandaigdig.

Ito ay ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng kagitingan ngayong araw.

Aniya ang itinuturing nyang modern heroes ang mga pulis na namatay dahil sa mga operasyon kontra sa iligal na droga at kontra kriminalidad.


Bayani rin aniyang maituturing ang mga pulis na patuloy ang pagsasakripisyo para gawin ang mga kaliwat kanang mga police operations kontra droga, krimen, terorismo at korapsyon kahit na nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.

Samantala inalala rin ng PNP ang ginawang kabayanihan at katapangan ng mga beteranong pilipino kaugnay naman ito sa pagdiriwang ng Philippine Veterans week mula noong April 5 at magtatagal hanggang april 11.

Inaasahan naman darating sa Mt Samat National Shrine sa Pilar Bataan si Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan ang seremonya.

Dahil dito naglatag ng mahigpit na seguridad ang ibat ibang police units sa Region 3.

Facebook Comments