MAGING HANDA | BSP, inalerto ang mga financial institution sa bansa kasunod ng cyber-attack sa isang bangko sa Malaysia

Manila, Philippines – Inalerto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga local financial institutions sa bansa kasunod ng nangyaring cyber-attack sa Malaysian Central Bank.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, sinubukang magnakaw ng pera ng mga hackers gamit ang fraudulent wire transfer.

Kinumpirma ito ng Bank Negara Malaysia (BNM) pero anila, wala namang nakuhang pera ang mga hackers dahil mali ang nailagay nilang wire-transfer request sa swift bank messaging network.


Pinangungunahan ng BNM ang nasa 45 commercial banks sa Malaysia.

Sa ngayon, walang anumang banta na natatanggap ang BSP.

Facebook Comments