Maging Metro Division Office ang SDO, Binabalak ni Gov.Faustino “Bojie” Dy III

Cauayan City, Isabela – Inaasam ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III na maging City o Metro na ang Division Office sa mga darating na araw.

Aniya kapag nangyari ito ay maraming mga guro ang mabibigyan ng bagong items at higit na umano ang regular items.

Sinabi pa ng gobernador na hindi ito malayong mangyari dahil nakikita nya umano ang mahigpit na pagtutulungan ng Schools Division Office at City Officials sa mga programa at plano.


Nilinaw ni Governor Dy III na tutulong din ang Provincial Division para mapabilis ang naturang plano upang maging handa rin sa mas mataas na demand ng pagbabago sa usapin ng trabaho para sa mga guro at makabagong teknolohiya para sa mga estudyante.

Pinasalamatan pa ng gobernador ang mga guro dahil sa malaking naiambag sa lipunan mula sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo.

Samantala hinikayat ni Governor Dy III ang mga guro na bumuo ng kooperatiba dahil ang provincial government ng Isabela ay nagpapahiram ng zero interest sa mga coop.

Facebook Comments