P2.5M HALAGA NG SHABU | 2 pinaghihinalaang miyembro ng African drug syndicate, arestado sa Bacoor, Cavite

Cavite – Arestado ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng African Drug Syndicate sa isinagawang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cavite.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang dalawang Nigerians na sina Agu Agustin Chukwuebuka at Nkwocha Chimaobi.

Naaresto ang dalawa matapos nilang ibenta ang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa PDEA agent na nagpanggap na buyer sa isang fastfood restaurant sa Talaba, Bacoor City.


Ang mga sinasabing shabu ay nakasilid sa mga cellphone charge adaptors at may street value na P2,500,000.

Pero sa isinagawang testing, siyam sa 11 plastic sachet ay hindi shabu o methamphetamine hydrocloride ang laman kundi isopropylbenzalylamine.

Facebook Comments