MAGING TAPAT | Pamunuan ng AFP muling nagbabala sa kanilang hanay

Manila, Philippines – Nagbabala muli ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang hanay na masisibak sa serbisyo ang sinumang mapatunayang hindi tapat sa konstitusyon, rule of law at chain of command.

Ito ay sa harap na rin ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na may mga sundalong nahikayat na sumama sa mga grupo na nais siyang patalsikin sa pwesto.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na sinabi ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na ang sinumang sundalong mapapatunayang lumabag sa patakaran ng AFP ay agad na sisibakin sa pwesto, mahaharap sa imbestigasyon at ang malala ay matanggap pa sa serbisyo.


Inulit muli ni Arevalo na bilang miyembro ng sandatahang lakas mandato ng mga sundalo ay protektahan ang taong bayan, estado, respetuhin ang batas at ipatupad ang due process.

Samantala sa ngayon ayaw na muna magkomento ni Arevalo sa kaso ni Senator Antonito Trillanes IV dahil nililitis pa sa civilian court ang mga kaso ng senador.

Una nang inihayag ng AFP na mahaharap muli sa AFP Court Martial ang senador matapos na bawiin ni Pangulong Duterte ang kanyang amnesty dahil sa kasong rebelyon kaunay sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege.

Facebook Comments