MAGING TRANSPARENT | VP Robredo, nanawagan sa Duterte administration kaugnay sa bilateral agreements ng Pilipinas sa China

Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa Duterte Administration na maging transparent sa lahat ng bilateral agreements ng Pilipinas sa China.

Sa isang statement, sinabi ni Robredo na dapat alam ng mga Pilipino ang mga kasunduan, gaya ng Memorandum of Understanding on the belt and road initiative, infrastructure cooperation program, at ang memorandum of understanding on cooperation on oil and gas development.

Giit ni Robredo, tungkulin ng administrasyon na ipaalam sa publiko kung ano ang magiging interes at pakinabang ng sambayanan sa mga kasunduang iyon, lalo at hindi lamang ito makakaapekto sa mga pilipino sa ilalim ng Duterte admin, kundi sa susunod na mga henerasyon.


Pero maliban sa transparency sa bilateral agreements, hinimok rin ni Robredo ang administrasyon na tumayo at gamitin ang lahat ng diplomatic means upang igiit ang sovereignty sa West Philippine Sea.

Welcome kay Robredo ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China, subalit marapat aniya na unahin muna ng administrasyon ang interes ng mga Pilipino.

Facebook Comments