Magit 200 Juvenile Cases naitala ng PRO-12 sa loob ng 3 buwan!

206 juvenile cases ang naitala ng Police Regional Office-12 sa loob ng 3 buwan o mula Enero hanggang Marso nitong taon.
Mas marami umano sa kinasasangkutan ng Children In Conflict with the Law (CICL) ay theft, Robbery, Physical Injuries, paglabag sa Curfew, Rape, at Acts of Lasciviousness.
Kaugnay nito, ang PRO-12 sa pamumuno ni Regional Director, Chief Superintendent Marcelo Morales ay may mga preventive measures nang ipinatutupad upang matugunan ang isyu tulad ng “PNP OplanGalugad” kung saan tinatarget ang mga lugar na kadalasang pinamumugaran ng mga minor de edad na gumagawa ng kalokohan at “OplanSagipAnghel”, kampanya kontra child abuse at human trafficking.
Wala rin tigil ang pakikipag-ugnayan ng PRO-12 sa Local Government Units at iba pang concerned agencies ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magkatulungan sa mga kampanya para sa kapakanan ng kabataan sa rehiyon.

Facebook Comments