Sa panahon ngayon, nauuso ang iba’t ibang uri ng transportasyon. Dati pag tinatamad ka, ang una mong maiisip ay taxi o cab. Ngayon mayroong mga nagsusulputang Transport Network Vehicle Services (TNVS) tulad ng Grab, Micab, Hype, Hirna at kung anu-ano pang maghahatid sayo sa iyong destinasyon.
Ayon sa PUJ General Fare Guide ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang unang apat na kilometro sa pampublikong jeep sa mga rehiyon ng National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa ay P9 lamang kumpara sa flag down rate ng mga taxi na P40 na nadadagdagan ng P13.50 kada kilometro. Paano na lang kaya ang mga TNVS na mas mahal pa ang singil sa mga taxi?
Mahigit P30 din siguro ang matitipid mo kung mas pipiliin mong mag jeep.. kaya mag jeep na lang tayo! Sa matitipid mo, may pambili ka pa ng fishball, kalamares, kwek-kwek at gulaman pang merienda! Tipid talaga sa jeep!
Article written by Andrew San Fernando