Magkaibigan, arestado sa ilegal na droga sa QC

26

Manila, Philippines – Arestado ang magkaibiganghinihinalang drug pusher sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. San Martin dePorres, Quezon City kagabi.
  Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Parsario 45-taonggulang na target ng operasyon at Gerald Jacoba 29-anyos.
  Ayon kay QCPD Station 7 Drug Enforcement Team ChiefP/Sr.Inspector Ramon Aquiatan, pasado alas nuebe ng gabi nang ikasa ang buybust operation sa bahay ng suspek sa kanto ng Zambales at Arayat street.
  Inaresto ang mga suspek matapos makabili sa kanya angisang pulis na nagsilbing poseur buyer ng 300 pisong halaga ng shabu.
  Nakarekober pa ang mga pulis ng 5 medium size nghinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 18 libong piso , isang plastic sachet ngmarijuana, 700-pesos drug money at mga drug paraphernalia.
  Aminado si Parsario na nagtutulak siya ng shabu paraipangdagdag sa kanyang pamasahe para makauwi ng Laguna.

Facebook Comments