Isang tricycle driver, arestado sa pagtutulak ng shabu sa QC

25

Manila, Philippines – Arestado ang isang tricycle driverna sumasideline na drug pusher sa isang buy bust operation sa Cambridge St.,Brgy. E. Rodriguez, Quezon City kagabi.
  Kinilala ang suspek na si Eduardo Tubera alyas”Imaw” 24-anyos residente sa naturang lugar.
  Ayon kay Supt. Tremor, naaresto ang suspek sa minemanehonitong tricycle matapos pagbentahan ng 200 piso ng shabu ang isang pulis nanagpanggap na buyer magaalas-otso kagabi.
  Nakumpiska mula sa suspek ang buy bust money at 3 plasticsachet bg hinihinalang shabu.
  Aminado ang suspek na nagtutulak siya ng shabu parapangdagdag kita dahil hindi sapat ang kinikita nito sa pagta-tricycle.
  Nabatid na si alyas “Imaw” ang supplier ngshabu sa mga kapwa nito tricycle driver sa bahagi ng Cubao.
  Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ComprehensiveDangeours Drugs Act of 2002 ang naturang suspek.

Facebook Comments