Magkaisa laban sa pandemya, panawagan ng AFP chief sa publiko ngayong Araw ng Kalayaan

Panawagan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa sambayanang Pilipino na magkaisa laban sa pandemya.

Ang panawagan ay ginawa ng opisyal sa pagdiriwang bukas ng ika-123 taong Araw ng Kalayaan.

Aniya, sa kasalukuyang pakikipaglaban ng bansa kontra sa COVID-19 ay may mahalagang papel ang bawat isang mamamayan na dapat gampanan para malampasan ng bansa ang pagsubok na ito.


Hindi aniya kailangan ng armas ng bawat isa para maging bayani.

Ang kailangan lang ay disiplina, pakikipagkapwa-tao, pagmamahal sa bayan at diwa ng pagkakaisa para maging tunay na bayani.

Hinikayat naman ni Sobejana ang bawat miyembro ng Sandatahang Lakas na sa harap ng mga pagsubok na kinahaharap, patuloy na magsikap para sa malaya, mapayapa at progresibong bansa para sa lahat ng mga Pilipino.

Facebook Comments