“MAGKAISA NA PO TAYO” – Mayor Elect Marc Brian Lim

61

Dagupan City – Ito ang mensahe ni Mayor Elect Brian Lim sa mga Dagupeno matapos ang kanyang proklamasyon gabi ng Mayo 13, 2019 sa Sangguniang Panglungsod.

Ayon sa kaniya tapos na ang panahon ng pamumulitika at dapat magkaisa na para sa siyudad ng Dagupan. Nagpasalamat ito sa kaniyang mga taga suporta at pamilya sa dahil naging matagumpay ang kanilang pangangampaniya . Isa umanong amazing experience ang pagkakahalal nito bilang mayor at magandang oportunidad upang pagsilbihan ang Dagupan City.

Dagdag nito dapat magconcentrate na sa ikakaunlad ng siyudad at kailangan umano nito ang tulong taumbayan upang maging maging matagumpay ang siyudad sa mga susunod na proyekto para sa Dagupeno. Nakakuha ng 49, 156 na boto si Lim at 47, 9176 ang kaniyang katunggali na si Belen Fernandez.

Facebook Comments

From Advertisers