Magkaisa para sa Bangsamoro- Assemblyman Toy Mangudadatu

62

Magkaisa para sa Bangsamoro! Ito ang panawagan ni Maguindanao 2nd District Assemblyman Khadafeh “Toy” Mangudadatu sa lahat kasabay ng isinusulong na Bangsamoro Organic Law at papalapit na plebisito.
Panahon na aniya na I- set aside ang lahat ng mga personal , political interest at mga pagkakaiba ng paniniwala alang- alang sa kaginhawahaan ng nakakarami giit pa ni Assembleman Toy.
Mas higit aniyang kinakailangang magsama-samang magtrabaho ng maayos base na rin sa sinumpaang tungkulin sa taumbayan at gobyerno dagdag ni Assemblyman Mangudadatu.
Kaugnay nito hinihikayat ni Assemblyman Mangudadatu na suportahan ang BOL . Inihayag ni Assemblyman Toy ang kanyang pagsuporta sa BOL kasabay ng anibersaryo ng LGU Shariff Aguak at kaarawan nito.
Matatandaang nauna na ring hinimok ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu at Congressman Dong Mangudadatu ang publiko na suportahan ang BOL.

Facebook Comments