MAGKAKAROON NG LAHAR? | Pag-aalburuto ng bulkang Mayon, mas lumalakas at tumatagal – PHIVOLCS

Manila, Philippines – Mas umiigting at mas matagal ang eruption episode ng bulkang Mayon.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Volcanologist Ed Laguerta, hindi pa nila matiyak kung magtutuloy tuloy o hihina na ang pag-aalburuto ng bulkan.

Aniya, sinasabayan na ng volcanic tremors o mga pagyanig ang pagbunga ng mayon ng ash plume.


Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa pyroclastic flow na pinaghalo ng mainit na abo, bato, gas at lava.

Sinabi pa ni Laguerta, malaki rin ang tyansa na magkaroon ng lahar.

Kasabay nito, tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na handa nilang saluhin ang pagpapakain sa 60,564 mga residenteng lumikas.

Facebook Comments