Kaliwa’t kanan ang schedule ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw.
Una nitong pangungunahan ang aktibidad kaugnay ng National Cooperative Day na gagapin sa Palasyo ng Malakanyang ngayong umaga.
Layunin ng National Cooperative Day na mabigyan ng mas malalim na kaalaman ang publiko sa sektor ng kooperatiba at ang importanteng papel nito sa pagpapaunlad ng komunidad at kabuhayan ng mga tao.
Mamayang hapon naman ay dadalo ang pangulo sa 6th International Rice Congress sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang event ay dadaluhan ng mga scientist, mga eksperto, at decision makers mula sa gobyerno, pribado at pampublikong sektor para bumuo ng mga solusyon sa mga hamon sa global rice sector.
Pagkatapos sa International Rice Congress, tutungo si Pangulong Marcos sa paglulunsad ng Dong Fe Motors (DMF) sa Pasig City.
Samantala, ngayong araw ay inaasahang bibigyan din si PBBM ng briefing ng Department of Foreign Affairs kaugnay ng kanyang biyahe sa Saudi Arabia para sa dadaluhang ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit.