Magkakasunod na bagyo at naranasang tagtuyot kamakailan, posibleng makaapekto sa mga susunod na inflation rate

Aminado ang National Economic and Development Authority o NEDA na maaaring makaapekto sa mga susunod na inflation rate ang magkakasunod na naranasang bagyo at tagtuyot nitong mga nakaraang buwan.

Ito ay matapos ang naitalang 4.7 percent na inflation rate para sa buwan ng Hulyo na pinakamababa sa nagdaang anim na buwan.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, may ginagawa nang hakbang ang pamahalaan para maagapan ang posibleng epekto ng weather disturbances sa inflation at ekonomiya sa nalalabing bahagi ng taon.


Ilan sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno ay ang pagde-deploy ng resources sa mga apektadong lugar, paglalatag ng polisiya at on the ground response.

Patuloy rin aniya nilang mino-monitor ang supply and demand situation ng mga pangunahing bilihin para makamit ang target na dalawa hanggang apat na porsyentong inflation rate sa pagtatapos ng taon.

Binigyang diin ng NEDA na hindi sila maaring maging kampante dahil maliban sa mga kalamidad ay ikinokonsidera rin ang problema sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at food trade restrictions sa ibang bansa.

Facebook Comments