Magkakasunod na Buy Bust Operation isinagawa sa Pangasinan

Dagupan City – Apat katao ang huli sa magkakahiwalay na buy bust operations ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP sa Pangasinan. Ito ay parte ng mas pinaigting na kampanya ng kapulisan na sugpuin ang kriminalidad sa lalawigan.

Patay ang isang lalaki na residente ng Bonuan Gueset, Dagupan City na nakipagbarilan umano sa mga awtoridad matapos manlaban sa ikinasang operasyon ng PNP Dagupan at PDEA. Nakuhanan ito ng pakete ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang P50,000 at baril na ginamit nito laban sa mga awtoridad.

Gayun din sa bayan ng Calasiao kung saan dalawang kalalakihan ang nasakote dahil din sa ilegal na droga. Ayon sa mga imbestigador dati na umanong convicted sa parehong kaso ang isa sa suspek. Nakuhanan ang dalawa ng pakete ng shabu kasama ang marked money. Samantala sa lungsod ng Urdaneta City huli ang isang tricycle driver na nakunan din ng pakete ng shabu matapos mahulog sa entrapment operation ng mga awtoridad.


Sa ngayon ay nasa na ng mga kapulisan ang mga nasabing suspects na nahaharap sa kaso na paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaan na noong May 25, 2019 nakumpiska ng mga awtoridad ang hindi baba sa 124 million pesos halaga ng drugs mula sa apat na Chinese nationals sa Urdaneta City, Pangasinan. Kaya naman ayon sa PNP Pangasinan asahan pa daw umano ang mas matinding pagpapaigting ng kampanya nila laban sa ilegal na gawain partikular na ang illegal drugs at asahan na ang paglobo muli ng mga maaaring mahuli.

Facebook Comments